Paano Magsuri sa IGLESIA NI CRISTO Kahit Nasa Loob Ka Lamang Ng Inyong Tahanan?

Tuesday, June 09, 2020




Interesadong magsuri pero ayaw mo munang magpadoktrina?
Gusto mong makinig pa ng mga aral nila pero nahihiya ka?
Paano nga ba magsuri sa IGLESIA NI CRISTO lalo na ngayong panahon ng pandemya?


Malamang ay narinig o nakabalita na kayo ng tungkol sa IGLESIA NI CRISTO.
Maaaring naanyayahan na kayo ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay o di kaya ay napanuod mo sa telebisyon at narinig sa mga balita. 

Siguro ay curious ka rin tulad ng marami.
Siguro ay gusto mo rin malaman ang iba pa nilang aral at doktrina.
O di kaya ay may gusto kang itanong tungkol sa mga bawal sa kanila.

Paano nga ba magsuri nang di muna nagpapatala sa Iglesia?

Narito ang ilan sa mga paraan upang makapagsuri pa sa mga aral at doktrina ng Iglesia:

  • TELEBISYON- Maaari mong mapanuod ang iba't ibang programa ng Iglesia Ni Cristo sa telebisyon sa INCTV Channel. Ang ilan sa mga naipapalabas na programa sa channel na ito ay mga Preaching and Bible-based discussions (na gaya ng PASUGO at ANG IGLESIA NI CRISTO), Church Centered News Casts (na gaya ng CFO NEWS at IGLESIA NI CRISTO NEWS LIVE), Convert Stories and Documentaries (na gaya ng LANDAS NG BUHAY at PANININDIGAN ), Informative and Edutainment (na gaya ng TRABAHO KO TO! at PUNDASYON), Movie block (gaya ng INCinema at KAPAYAPAAN SA GITNA NG DIGMAAN) at Teleradyo (gaya ng INCRadio BULLETIN INTERNATIONAL at MASAYANG TAHANAN). Mayroon din itong equivalent android at iOS mobile app para dun sa mga nais makapanuod ng mga progama ngunit walang telebisyon. Maaaring i-click ang link na ito upang magdownload ng nasabing mobile app sa android.





  • RADYO- Sa mga nais namang makinig sa radyo ay maaari ring mapakinggan ang iba't ibang programa ng Iglesia Ni Cristo sa DZEM 954 kHz. Ang mga programa ay nakabroadcast simultaneously sa INC RADIO - DZEM 954 youtube channel at gayundin sa equivalent mobile app nito sa android




  • INTERNET - Mayroong dalawang websites ang Iglesia Ni Cristo na maaari mong bisitahin online:





Ang dalawang websites na ito ay mayroong mga contact forms para sa ano mang katanungan o inquiry, mayroon ding directory kung sakaling nais mong malaman kung nasaan ang mga pinakamalapit na Lokal ng Iglesia sa inyong lugar. Mayroon ding mga iba't ibang pagtalakay sa mga aral at doktrina na sinasampalatayanan ng mga kaanib sa loob ng Iglesia ni Cristo. Makikita sa mga websites na ito ang iba't ibang mga proyekto at programa na inilulunsad ng Iglesia na kapakinabangan sa mga kaanib nito at maging sa kinabibilangang komunidad. Kung nais mo namang malaman ay ang kasaysayang ng Iglesia Ni Cristo, makikita mo rin ang impormasyon na ito sa mga nabanggit na websites.



Para sa mga iba pang katanungan tungkol sa post ko na ito, maaari rin akong ma-contact sa email: im.thineza@gmail.com at ako po ay masayang tutugon sa inyo.



Salamat po sa pagbabasa. Hanggang sa muli!


You Might Also Like

0 comments

Popular Posts

Trying hard to be a photographer

Trying hard to be a photographer

ABOUT AZZY

Hi there stranger.
My name's Azenith which I constantly change the spelling to AZZYNITH when using it in the internet. My alter ego name is THINEZA. That's actually just my real name spelled backwards 'xcept for the 't' and 'h'.

Happily married, a mother, bookworm, photography enthuasiast, music lover, cat owner, koreanovelas sucker, a frustrated cook-watercolorist-calligraphist-video editor-graphic artist-writer-journalist and a bullet journal junkie. Too many frustrations huh? Well I'm just gon'na laugh all these frustrations off. HAHA! (READ MORE)